Pagsubok
May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari. Pwedeng maging masaya, malungkot, masakit, nakakatuwa, o nakakaiyak. may mga bagay na sasabihin mo nalang na sana di nalang nangyari. Sana di ko nalang ginawa. Sana wala nalang. Sana , sana, sana... Puro sana ang ating buhay. Lalo na kapag tayo ay nagkakamali. Pero itong mga pagkakamali na ito ay ang iyong magiging pundasyon upang ikaw ay maging matibay. Ang mga pagkakamali ang mga bagay na sa iyo ay magpapalakas. Sa lahat ng bagay ay meron tayong matututunan. Pagsisisihan mo man pero iyo parin itong tatanggapin sa huli. Magiging masakit man, matagal man ang sakit o mabilisan lang ito, kakayanin mo ito. kakayanin mo ang sakit na dadarating sayo. Makakayanan mo ang lahat ng ito. Lakasan mo ang iyong loob. Kagaya ng sabi sa Filipos 4:13 ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Kristo. Anak ka ng Diyos hindi ka niya pababayaan sa lahat ng bagay na iyong ginagawa. Hindi ka niya iiwan ikaw ay kanyang gagabayan.
Comments
Post a Comment