Spoken Poetry (Filipino)

Salamat at Paalam

Umipisahan natin ito sa salitang ‘paalam’
Paalam sa tawanan natin noon na ang dahilan ay isang walang kwentang bagay
Sa tampuhan natin dahil sa napakababaw na dahilan
Sa mga nginitian, pakiligan nating walang pinatunguhan.
Paalam sa lahat ng bagay na ating ginawang magkasama na kahit kailan hindi na ito mauulit pa man.
Paalam sayo aking mahal

Naalala ko pa noon na kahit sa isang simpleng bagay ika’y aking napapasaya
Sa isang simpleng bagay na kaya kong ibigay
Sa isang simpleng bagay na ating pinagkakatuwaan
Sa isang simpleng bagay na tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Pero ng dahil din pala sa simpleng bagay na iyon tayo ay magkakawalay
Paalam aking mahal

Hindi ba dati’y may pangako ka sa akin?
Ikaw ba ay naging kagaya ng aking nakaraan na sabi mo hindi mo tutularan
Kagaya ka na ba niya na nangako ngunit walang pinatunguhan?
Kagaya ka na ba niya na wala na ako sa kinabukasan?
Gumaya ka na nga sa kanya na ako rin ay sinaktan ng sobra.
Paalam na mahal.

Umasa ako sa mga pangako mo noon
Masakit malaman na ang mga pangakong iyon ay mawawala lang sa ilang salita
Masakit kasi umasa ako na hindi ka niya kagaya
Masakit kasi akala ko matutupad ang mga pangarap natin
Masakit kasi minahal kita ng sobra
Masakit mahal kaya paalam na

Mahal salamat sa ilang taong tayo ay nagkasama
Salamat sa ilang taong tawanan iyakan at damayan
Salamat sa ilang taon na tayo ay masaya
Salamat mahal ko
Salamat sa ilang taong pagmamahalan
Salamat sa sakit na dinulot mo sa akin hanggang ngayon

Salamat sa sakit na iyon
Ng dahil sa sakit na iyong dinulot ako ay natuto
Sa sakit na yun ako mag iingat na
At dahil doon uunahin ko ang isip ko bago ang puso ko
Salamat aking mahal
Salamat sa saya, lungkot, iyakan, at pagmamahalan natin.
Paalam na at ako ay magiging masaya na



Comments

  1. Harrah's Casino Site Review (2021) - Lucky Club
    The new site brings to you an exciting collection of slots and video poker games which features luckyclub a selection of more than 100 classic and

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

A Spoken Poetry of Friendship (Tagalog)

The Answer to the Question of the Miserable Girl