A Spoken Poetry of Friendship (Tagalog)

Nagsimula sa Hi Nagtapos sa Goodbye


Naalala ko pa noon 
Noong tayo ay unang nagkausap
Nung una'y nakakahiyaan pa 
Kay saya balikan ng ating alaala
Kay sarap balikan noong mga panahong tayo pa

Nagsimula tayo sa isang hi
Doon tayo nagkausap ng matagal
Nagkahiyaan man pero humantong sa isang magandang relasyon
Relasyon ng pagkakaibigan

Pagkakaibigang walang sinisekreto
Pagkakaibigang walang tinatago
Pagkakaibibagang walang isinaad kundi katotohanan
Pagkakaibigang tinapos ng goodbye

Simulan natin sa umpisa ng ating pagkakaibigan
Una tayong nagkakilala sa isang palaruang bayan
Doon kita unang nakausap
Doon kita nagkakilala

Sa palaruang bayan ko rin tinanong kung san ka nakatira
Sa palaruang bayan nagsimula ang lahat
Sa palaruang bayan
Doon din nagtapos ang lahat

Di man lang sumagi sa akin isipan na dun din pala tayo magwawakas
Di man lang sumagi sa aking isipan na dun ka mawawalay sa akin
Di man lang sumagi sa akin na mawawala ang ating pagkakaibiga
Hindi man lang sumagi sa akin

Kaibigan ko sana masaya ka sa yong desisyon
Desisyon na ako'y iwanan
Desisyon na umalis
Desisyon na tapusin ang ating pinagsamahan.

Comments

Popular posts from this blog

Spoken Poetry (Filipino)

The Answer to the Question of the Miserable Girl