Posts

Showing posts from May, 2017

A Spoken Poetry of Friendship (Tagalog)

Nagsimula sa Hi Nagtapos sa Goodbye Naalala ko pa noon  Noong tayo ay unang nagkausap Nung una'y nakakahiyaan pa  Kay saya balikan ng ating alaala Kay sarap balikan noong mga panahong tayo pa Nagsimula tayo sa isang hi Doon tayo nagkausap ng matagal Nagkahiyaan man pero humantong sa isang magandang relasyon Relasyon ng pagkakaibigan Pagkakaibigang walang sinisekreto Pagkakaibigang walang tinatago Pagkakaibibagang walang isinaad kundi katotohanan Pagkakaibigang tinapos ng goodbye Simulan natin sa umpisa ng ating pagkakaibigan Una tayong nagkakilala sa isang palaruang bayan Doon kita unang nakausap Doon kita nagkakilala Sa palaruang bayan ko rin tinanong kung san ka nakatira Sa palaruang bayan nagsimula ang lahat Sa palaruang bayan Doon din nagtapos ang lahat Di man lang sumagi sa akin isipan na dun din pala tayo magwawakas Di