Ikaw at Ako


Ikaw ay isang napakagandang bahagi ng aking buhay
Ikaw ay isang napakalaking parte para sa akin
Ikaw ay isang taong aking minamahal
Ikaw ay isang taong aking minamahal ng palihim.

Ako? ano ba ako sa iyo?
Ano ba ang isang ako para sayo?
Ano ba ako para sayo?
Ano nga ba talaga ako para sayo?

Ano ba ako na tila'y di mo ramdam?
Ano ba ako na tila'y wala lang?
Ano ba ako na tila'y di mo pansin?
Ano ba ako sayong paningin?

Ikaw ay aking minamahal
Ikaw ay aking iniisip oras oras minuminuto segusegundo
Pero ikaw?
Ano ba ako sayo?

Ano ba ako sayo?
Nababagabag na ako dahil sa tanong na yan.
Ano ba ako?
Ano ba sayo?

Oo minamahal kita
Halata sa mga trato ko sayo pero parang wala sayo
Parang wala sayo ang mga ginagawa ko
Tila ba wala kang pansin

Nakakasawa na
Nakakasawa na hindi mo mapansin
Nakakasawa na hindi mo ako nakikita
Nakakasawa nang magtanong, nakakasawa na

Kailangan ko ng tanggapin na wala ng pag asa
Kailangan kong tanggapin ang katotohanan
Kailangan kong tanggapin
Pagkat walang tayo kundi ikaw at ako

Comments

Popular posts from this blog

A Spoken Poetry of Friendship (Tagalog)

Spoken Poetry (Filipino)

The Answer to the Question of the Miserable Girl