Spoken Poetry (Filipino)
Salamat at Paalam Umipisahan natin ito sa salitang ‘paalam’ Paalam sa tawanan natin noon na ang dahilan ay isang walang kwentang bagay Sa tampuhan natin dahil sa napakababaw na dahilan Sa mga nginitian, pakiligan nating walang pinatunguhan. Paalam sa lahat ng bagay na ating ginawang magkasama na kahit kailan hindi na ito mauulit pa man. Paalam sayo aking mahal Naalala ko pa noon na kahit sa isang simpleng bagay ika’y aking napapasaya Sa isang simpleng bagay na kaya kong ibigay Sa isang simpleng bagay na ating pinagkakatuwaan Sa isang simpleng bagay na tayong dalawa lamang ang nakakaalam Pero ng dahil din pala sa simpleng bagay na iyon tayo ay magkakawalay Paalam aking mahal Hindi ba dati’y may pangako ka sa akin? Ikaw ba ay naging kagaya ng aking nakaraan na sabi mo hindi mo tutularan Kagaya ka na ba niya na nangako ngunit walang pinatunguhan? Kagaya ka na ba niya na wala na ako sa kinabukasan? Gumaya ka ...